Alam mo, kahit gaano kahirap ang pagsubok sa buhay, wag na wag kang susuko. Wag na wag mong ilalagay sa sarili mong mga kamay. Lagi mong tatandaan na may Dyos na nagbabantay. Basta magtiwala kalang. Lagi mong isipin, kahit anong mangyari, kahit anong maranasan mo, kahit anong maramdaman mo. "Ok lang yan". Kasama yan sa buhay, kasama yan sa pagtatagumpay. walang umangat na di nakaranas ng pagbagsak. Walang masaya na di nakaranas umiyak. Lahat nakakaranas nang pagsubok, kahirapan, o minsan panga'y nararanasan natin na parang tinatapakan ang pagkatao natin. Pero "ok lang yan". Tandaan mo itinataas ng Dyos ang nagpapakababa, at ibinababa ang nagmamataas. Matoto tayong magtiis at maging matyaga, maging matatag at maging malakas. Minsan sabuhay natin. O maaaring madalas nga sabuhay natin pinanghihinaan tayo ng loob dahil sa mga bagay na ating nararanasan. Na parang gusto na nating sumuko. Kapatid pagnapagod pwede kang magpahinga, pero wag na wag kang susuko. Ang sumusukoy hindi nagtatagumpay, at ang nagtatagumpay ay di sumusuko. Wala sa edad yan. Hangga't buhay ka may pag asa. Mag tiwala ka sa Dyos, at hindi sa tao. Ang Diyos ay dI nagbabago, at di bumabali sa kanyang mga pangako. Tandaan mo ang lahat ng bagay ay may dahilan. Tingnan mo ito sa positibong paraan. Sabihin mo lang sa sarili mo, anumang mangyari. "OKAY LANG YAN!"
GOD BLESS US ALL. :)
pls share kung agree ka.#DreamsIntoReality
#Yeheeybizfriends
#CL07
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
power
ReplyDeleteOk lng yan.
ReplyDeleteLahat ng bagay my pag asa.
#Mario1975