HALAMANG GAMOT: MAKAHIYA
Source : Google Search
KAALAMAN TUNGKOL SA MAKAHIYA BILANG
HALAMANG GAMOT
Scientific name: Mimosa pudica Linn.; Mimosa
asperata Blanco
Common name: Makahiya (Tagalog); Bashful
mimosa, Sensitive plant (Ingles)
Ang makahiya ay isang halaman na tinuturing
na damong ligaw na tumutubo saan man sa
mabababang lugar sa buong kapuluan ng
Pilipinas. Kilala ito dahil sa katangian nito na
tumitiklop ang dahon kapag hinawakan.
Napalilibutan ng tinik ang mga sanga nito at may
bulaklak na kulay rosas. Nagbibigay din ito ng
bunga na kahalintulad ng bataw. Orhinal na
nagmula ang halamang ito sa kontinente ng
Amerika.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA
MAAARING MAKUHA SA MAKAHIYA?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang makahiya ay
maaaring makuhanan ng maraming uri ng
kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo
sa kalusugan:
Ang ugat ay may taglay na flavonoids,
phytosterol, alkaloids, amino acids, tannins,
glycoside, at fatty acids
Ang dahon ay mayroon namang mimosine
Ang buong halaman ay makukuhanan ng tubulin
at crocetin dimethyl ester
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT
BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG
MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi
ng halaman tulad ng:
Ang buong halaman ay maaaring gamitin sa
panggagamot. Maaari itong ilaga at ipaunom sa
taong may karamdaman. Maaari ding katasan
ang halaman upang ipampahid sa ilang
kondisyon sa balat.
Ugat. Ginagamit ang ugat ng makahiya sa
panggagamot sa pamamagitan ng paglalaga at
pag-inom sa pinaglagaan.
Dahon. Ang dahon ay maaaring ilaga din, o ihalo
lamang sa inumin.
Buto. Ang buto naman ay kadalasang dinidikdik
at ipinangtatapal sa ilang kondisyon sa katawan.
ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA
MAAARING MAGAMOT NG MAKAHIYA?
1. Dysmenorrhea. Maaaring inumin ang
pinaglagaan ng dahon ng makahiya para sa
kondisyon ng dysmenorrhea o ang pananakit ng
puson na kadalasang nararamadaman kapag may
buwanang dalaw.
2. Hika. Nakatutulong naman ang pag-inom sa
pinaglagaan ng buong halaman ng makahiya na
mabawasan ang mga sintomas ng hika.
3. Ubo na may makapit na plema. Mabisa naman
para sa kondisyon ng ubo na may makapit na
plema (dry cough) ang pag-inom sa pinaglagaan
ng dahon ng makahiya.
4. Sugat. Inilalagay naman ang dinikdik na buto
ng makahiya sa mga sugat upang mapabilis ang
paghilom ng mga ito. Ang katas mula sa dinikdik
na halaman ay may kaparehong epekto din kung
ipampapahid sa sugat.
5. Pasa. Ang mga pasa ay maaari naman lagyan
ng dindikdik na dahon ng makahiya.
Makatutulong ito upang mabilis na mawala ang
maitim na kulay ng pasa.
6. Hirap sa pag-ihi. Mabisa naman para sa
kondisyon ng hirap sa pag-ihi o ang pag-inom sa
pinaglagaan ng ugat ng makahiya.
7. Almoranas. Ang pamamaga at pagsusugat ng
tumbong dahil sa almoranas ay maaaring
matulungan ng pag-inom sa gatas na hinaluan ng
pinulbos na dahon at ugat ng halamang
makahiya.
8. Diabetes. Pinaniniwalaan ding makakalunas
ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng
makahiya sa sakit na diabetes.
9. Galis. Maaari din gamitin ang katas ng dinikdik
na halamang makahiya para sa pangangati at
pagsusugat sa balat na dulot ng galis.
10. Pagtatae. Ang dahon ng makahiya ay
maaaring ihalo sa inumin para maibsan ang
pagtatae na nararanasan.
Paki like n share ka bizfriends
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
herbal medicines are very useful since the early days...our folks used it because its natural and available at the backyard..
ReplyDeleteits less toxic and easy to use..
#margot19761
#bongbong1968
#teamrockets
#yeheeybizfriends.com
#YourAccessYourLifetimeSuccess
herbal medicine is very good
ReplyDeletedahil natural siya at walang nagiging side effects sa ating kalusugan...
lorybetco
dadzserajim
edelweise
gianmijares
gioivanbetco
Now ko lang alam na gamot pala ito
ReplyDeleteisabelle2
isabelle20
ericmac1229
Irigueños call this turog-turog. :)
ReplyDelete#Carms01
#Teamrockets
#Yeheeybizfriends
#Youraccessyourlifetimesuccess
Halamang gamot...
ReplyDeleteMarklyn
Dragonwealthteam
Effective👌👍
ReplyDelete#Jaden2014
#NameYourTeam?
#YeheeyBizFriends.com
Tnx for new updates yeheeybizfriends 😊
ReplyDelete#YourAccessForLifetimeSuccess
#Blessed
#gaikyu
tnx for up esmecuevas019
ReplyDeleteNice article
ReplyDelete#aeteam
#aeteam20
#aeteam21
#aeteam22
#sweetarlene
#yeheeybizfriends
Wao Amazing..Great Great..Love it.
ReplyDeleteLets Spread it guys..Yeheey.
#YeheeyBizFriends
#YourAccessForLifetimeSuccess
#HealthyLifestyle
#FeelingBlessed
#TeamMr.Mclub
#Gaikyu-6449
Marami halaman na akala ntin damo damo lng,gamot pala ito..mas maigi mhilig ka mg research..now i know na..
ReplyDelete#Mario1975 #Mario43 #Mayangz #bert1999 #19saring
#goaldigger/teamspider
#yeheeybizfriends
comment for esmecuevas0189..tq
ReplyDelete