100,000 Hektarya ng Cereal Grain Production, Target ng Agriculture Dept sa Taong 2019!










Panahon na para mas pag tuunan naman ng pansin ang Agricultural side ng ating bansa para sa mga mahal nating mga magsasaka at para na rin sa ikagaganda ng resources ng ating mga inaaning pananim.


Magandang balita para sa mga kababayan nating rural hog at poultry raisers! Target ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang may 100,000 hektarya ng lupain para sa pagtatanim ng “sorghum”, na karamihan ay sa mga domain na lugar ng Indigenous People (IP), mula sa ulat ng PTV. Ang “sorghum” ay isang uri ng cereal grain plant na may mas mataas na protina kaysa sa mais. May kakayahan itong tumubo sa mga “marginal” na lugar at nabubuhay kahit sa kakaunting tubig at ulan lamang. Ayon kay Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, isang village-level filled mill ang pinaplanong itayo upang matulungan ang mga kababayan nating magsasaka na makapag-produce ng kanilang feeds sa mas murang halaga. Dagdag pa ni Piñol, sa pamamagitan umano ng pagtatayo ng nasabing mills, maaari nang makapag-loan ang mga organized rural hog and poultry raisers mula sa Agriculture and and Fisheries Machinery and Equipment Loaning Program ng DA. Isang grupo ng hog raisers mula sa Davao ang unang nag-apply ng loan para sa feed mills, at iga-grant nang may 2 porsyentong interest kada taon, at maaaring bayaran sa loob ng walong taon. Sa San Vicente, Makilala, North Cotabato makikita ang “Sorghum Pilot Farm” ng DA. Kuwento ni Piñol, nang dumaan siya sa DA Sorgum Demonstration Farm sa San Vicente noong Disyembre 25 sa gitna ng Kapaskuhan nang dalawin niya ang kanyang ina, natuwa siya sa kanyang nakita. “What I saw really impressed and inspired me. At one month and one week, the Sorghums were growing vigorously and in about a week, the panicles are expected to show followed by the flowering stage. By the end of February next year, the six-hectare Pilot Farm could be harvested and judging from the physical appearance of the plants, I project a very good harvest,” ani Piñol. Dagdag pa ng DA Secretary, nasa 100,000 hektarya ng lupain ang target nila ngayon na matamnan ng Sorghum sa susunod na taon, sa tulong na rin ng DA’s Special Area for Agricultural Development (SAAD). Dahil sa liit ng produksyon ng mais na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo nito kaya’t napipilitan ang mga feed millers na umangkat mula sa ibang bansa ng feed wheat, ipinakilala ng DA ang Sorghum sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Sa isang sakahan, maaari nang makapag-harvest ang isang magsasaka ng kanyang Sorghum field nang tatlong beses dahil sa ratooning, kaya’t higit na mababa ang halaga ng produksyon nito. Inaasahan ng DA na magiging malaking tulong ito upang maging “competitive” ang ating mga hog at poultry raisers na maabot ang merkado.

 Source: PTV
Article by: Alvin Umandal









SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW




Need To Search in Google? Type it Here..




OPPORTUNITY81

Comments

OPPORTUNITY6







OPPORTUNITY7

YBF TSIT-CHAT with INFOBIZ BLOG:

Edit Member Tracking #UserID or Simply Be our Guest.
FYI-001: MAIN SITE UPDATE AS OF 07 JANUARY 2019: SSL Temporarily Runs in Technical System Adjustment and Development Process.
Q: How can I login while it says Your connection is not private?
A: Click ADVANCE and Click Proceed Anyway.
Q: How long will it resume in normal status? and What should members need to do?
A: It may takes few more days for SSL to lift and Effect. All members are suggested to FOLLOW THIS BLOG for directional updates





OPPORTUNITY CC-YBF






ENJOY BEST DEALS FROM AMAZON JUST RIGHT HERE