Hindi totoo ang Pasko hanggat wala kang napapasayang tao at huwag kang mag celebrate kung hindi mo kayang magpatawad ng kapwa mo.
Dahil ang tot0ong diwa ng Pasko ay pagmamahal, pagpapatawad at sakripisyo.
Ang kapaskuhan ay ipinagdiriwang ng bawat kristiyanong naniniwala na ito ay kapanganakan ni Hesu Kristo na siyang tanging tagapagligtas na pinadala ng ama upang iligtas ang sanlibutan. Sa kanyang sakripisyo at pagbuwis ng buhay ay maging daan upang magkaroon ng kaligtasan ang bawat isang maniniwala nito.
Pinagmulan ng Terminong Christmas at Pasko
Tinatawag ang araw na ito na Christmas sa wikang Ingles, na ang ibig sabihin ay misa ni Kristo, na maaaring tumukoy sa misa ng pagdiriwang sa araw ng kapanganakan ni Hesus, o yung tinatawag natin ngayon sa Pilipinas na Misa de Aguinaldo. Ang Pilipinong salitang “Pasko” naman ay nagmula sa “Pascua” ng mga Espanyol na pinantutukoy nila sa mga malalaking pistang hudyo lalo na yung “passover,” gayundin tumutukoy ito sa misterio pascual o paschal mystery ng kapanganakan, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesus.
Kuwento sa Biblia at paghahambing sa historical na rekord
Ang mga kuwento sa Bibliya ay tumukoy sa kuwento ng pang-emperyong census na nagdala kay Jose at Maria ng Nazareth sa pook ng kanilang mga ninuno—ang Betlehem.
Ngunit ang pinakamalapit na census na nakatala sa kasaysayan sa panahong iyon, ang Census ni Publius Sulpicius Quirinius, ay naganap noong 6 o 7 A.D. (Anno Domini o Year of the Lord sa Ingles).
Anuman, dahil ang buntis na si Maria ay manganganak na, nangailangan nang kwartong mapagsisilangan sa sanggol na inihula ng mga propeta.
Dahil sa walang bakanteng kwarto, naghanap nang naghanap hanggang magkaroon din ng sisilangan si Hesus, ang tanging silid na bakante, sa sabsaban ng mga tupa!
Ngunit, lingid sa ating kaalaman na parang bahay ang stable na ito, ang tradisyunal na lugar na sinilangan ni Hesus ay isang kweba, na ngayon ay nasa ilalim ng Church of the Nativity sa Betlehem.
Kristiyano man tayo o hindi, alam nating may Hesus na nabuhay at ipinako sa krus dahil binanggit siya ng Romanong-Hudyo na historyador na si Josephus Flavius.
Ang Petsa ng Kapanganakan ni Hesus
Akala ng ilan, alam natin ang araw ng kapanganakan ni Hesus, December 25, 0 A.D. (Year 0).
Ang kasalukuyang bilang ng mga taon natin sa "Common Era" ay nagsimula sa kapanganakan ni Hesus.
Una sa lahat, walang Year 0 sa kalendaryo ni Papa Gregorio na nag-imbento ng ating kasalulukuyang pagpepetsa. Mula Year 1 B.C.E (Before the Common Era), Year 1 agad o 1 A.D.
Nabanggit din si Haring Herodes na nais ipapatay ang sinasabing bagong silang na "hari" na si Hesus at ipinapatay din niya ang lahat ng mga sanggol (inosentes) sa panahong iyon.
Ngunit si Haring Herodes ay namatay noong 4 B.C.E., kumbaga nagkamali at nahuli ang kalendaryo at isinilang pala si Hesus noon o bago ang 4 B.C.E.
Sa Bibliya naman walang binabanggit na eksaktong petsa at walang clues sa kung ano ang panahon.
Maraming sinaunang Kristiyano ay ipinagdiwang ang kaarawan ni Hesus sa December 25 sa mga Romanong Kristiyano sa Kanluran, at January 6 naman sa mga Kristiyano sa Silangan, o yung mga naging Greek Orthodox.
Ngayon, para sa marami, ang January 6 ay ginawa nilang pista ng mga magong bumisita kay Hesus na inilipat naman sa unang araw ng Linggo sa Bagong Taon.
Ang December 25 naman ay tumaon sa pista ng kapanganakan ng Romanong Diyos ng Hindi Magaping Araw o Sol Invictus, kaya sinasabi naman ng iba na itinaon lamang ng mga Kristiyano ang kapanganakan ni Hesus sa pistang ito upang makapang-akit ng mas maraming tagasunod dahil ka-birthday si Hesus ng diyos na kanila na ring sinasamba.
Kung anuman, kailangan malaman na wala ang kadahilanang ito sa mga sulatin ng mga lumang Kristiyano at ang pistang ito ay tinaguyod lamang ng emperador Romano noong 274 A.D.
Mayroon ding nagsasabi na kung titingnan ang kuwento sa Biblia ng mga pastol ng tupa na nakakita ng mga anghel sa parang, hindi pwedeng Disyembre yung panahong iyon dahil mangangatog sa lamig ang mga tupa at hindi ilalabas.
Kaya may mga nagsasabing maaaring sa tagsibol talaga isinilang si Hesus, na malapit sa panahon ng kanyang pagkamatay sa krus sa kalendaryo Hebreo ang Nisan 14 o March 25 sa ating kalendaryo.
Kung hindi man December 25 isinilang si Hesukristo, mahalagang paalala sa atin ito ng pag-aalay ng sarili para sa kapwa at maaari pa ring ipagdiwang ang diwa nito, ang bagong buhay, bagong simula.
Article Credit:
https://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/548900/ilang-paglilinaw-sa-kasaysayan-ng-pasko/story
Kaya ngayong Pasko alalahanin ang totoong diwa nito. Kung sino ang bida sa panahong ito at kung sino ang napapasaya mo. Siyempre ang celebrant ang dapat na masisiyahan ngayong Pasko. Maipamalas lang natin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagsunod kung ano man ang nais niyang mangyari sa buhay mo at para sa kapwa mo.
Maligayang Pasko sa lahat!
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
Comments
Post a Comment
ALL PREVIOUS COMMENT ARE HIDDEN FOR DATA EVALUATION IN ONE WEEK, NEW GENERATED COMMENTS IS NOW OPEN FOR EVERYBODY. HENCE, ANYONE INCLUDING ANONYMOUS USERS IS ALLOWED TO POST COMMENT STARTING - 10 OF JANUARY 2019