MGA BENIGN (HINDI CANCEROUS) NA BUKOL SA DIBDIB
1. ABSCESS -- pigsa
2. CYST – bukol na likido ang laman
3. FIBROADENOMA/FIBROADENOMATOSIS – bukol na binubuo ng mga hiblang parang peklat (fibrosis) at glandula ng suso (mammary o milk glands)
4. FIBROCYSTIC CHANGES – bukol-bukol na binubuo ng magkahalong fibrosis at cysts tulad ng nabanggit; kadalasang mas nararamdaman sa panahon ng pagreregla na maaari ring may kasamang pagkirot dahil sa mga pagbabago sa lebel ng hormones ng mga babae.
Anong dapat gawin sa mga ito? Pwedeng obserbahan.
Pero kapag ito ay patuloy na lumalaki, sumasakit o may iba pang kasamang sintomas ay magpa-check-up na sa doktor (surgeon) para malaman kung kailangan itong tanggalin.
------------------------------
TUMOR o BREAST CANCER
Abnormal (malignant) na bukol; hindi basta-basta natutunaw kaya kailangang ipagamot sa doktor sa pamamagitan ng operasyon, chemotherapy, hormonal therapy, radiotherapy o targeted therapy.
Anu-ano ang mga posibleng sintomas ng BREAST CANCER na kailangang patignan agad sa doktor?
1. Pangangapal ng suso
2. Pagkakaroon ng iregular na hugis ng suso dahil
sa pagkahatak paloob ng balat at laman
3. Pagnipis at pagkasugat ng balat na hindi gumagaling
4. Pamumula o mainit na pakiramdam sa DIBDIB na hindi gumagaling
5. Paglabas ng likido (kadalasang may bahid ng dugo) mula sa utong
6. Pagkakaroon ng parang "dimples" sa balat ng suso
7. Bukol, lalo na iyong lumalaki, matigas, iregular ang hugis
o hindi naigagalaw kapag kinakapa
8. Paghatak paloob o pagbaliktad ng utong
9. Pagbabago sa hugis o sukat ng suso
10. Balat na parang sa kahel o dalandan
11. Kulani o lymph node sa kili-kili lalo na iyong matigas at hindi naigagalaw kapag kinakapa
Paano mo malalaman kung abscess, cyst, fibroadenoma, fibrocystic changes o cancer ang isang bukol? Kailangan mong magpatingin sa doktor para masuri kang mabuti at mabigyan ng nararapat na treatment recommendation/s.
😊 Kindly share to educate your friends if you liked this post. TY! 😊
– Doc Meredith
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
Comments
Post a Comment
ALL PREVIOUS COMMENT ARE HIDDEN FOR DATA EVALUATION IN ONE WEEK, NEW GENERATED COMMENTS IS NOW OPEN FOR EVERYBODY. HENCE, ANYONE INCLUDING ANONYMOUS USERS IS ALLOWED TO POST COMMENT STARTING - 10 OF JANUARY 2019