Bagong Taon, bagong buhay na inaasahang may bitbit na bagong pag-asa. Kaya naman isang araw bago magpalit ang taon, abala ang maraming Filipino sa paggawa ng mga nakagawian ng ating mga nakatatanda na pinaniniwalaang magdudulot ng swerte sa pagpasok ng bagong taon. Narito ang pamahiin ng mga pamilyang pinoy. - Pagkumpleto ng 12 prutas(o Ibat-ibang uri ng prutas na bilog) na inihahanda sa mesa, tulad ng melon, pakwan, mansanas, ubas, ponkan, chiko, pinya, kaymito o star apple, bayabas, buko, chesa, suha at dalandan. - Mayroon ding nagsasabit ng 12 o 13 piraso ng ubas sa pinto at bintana. - Nagsasaboy ng asin sa mga sulok ng bahay para itaboy ang mga malas. - Paglalagay ng barya sa kanilang bulsa na kakalampagin pagsapit ng pagpapalit ng taon. - Paghahagis ng barya sa mga sulok ng bahay, kasama na ang ilalim ng kama, hagdanan, at kusina.Sabi ng mga nakatatanda, mas maswerte kung hindi gagalawin ang mga barya sa kanilang lugar. - Pagsusuot ng kulay pulang damit. Sinasabing mas bwenas kung mayroong bilog-bilog sa kasuotan. - Pinupuno ang mga lalagyan ng tubig, asin at bigas. - Naglalagay ng mga pagkain na malagkit sa hapag-kainan tulad ng suman at biko dahil magagawa raw nito na pagtibayin ang pagsasamahan ng pamilya. - Nagpapagupit ng buhok at nagpapalinis ng kanilang kuko. - Pagtalon kapag nagpapalit na ang taon para tumangkad. - Pagbukas ng mga pintuan, mga bintana at mga ilaw sa lahat ng kwarto ng bahay para maging maliwanag ang buhay ng pamilya sa susunod na taon at pagpasok ng swerte. Bagaman, iginagalang naman ng Simbahan ang mga nakagawiang pamahiin, payo pa rin nila na huwag kalimutan na Magdasal sa ating POONG LUMIKHA at samahan ito ng sipag at tyaga para makamit ang tagumpay sa buhay.
HAVE A HAPPY AND PROSPEROUS NEW YEAR EVERYONE! 🎉🎉🎉
Source:GMANews. TV
Posted By :Precy Perea
#izzycometa
#yeheeybizfriends
#TEAMROCKETS
HAVE A HAPPY AND PROSPEROUS NEW YEAR EVERYONE! 🎉🎉🎉
Source:GMANews. TV
Posted By :Precy Perea
#izzycometa
#yeheeybizfriends
#TEAMROCKETS
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
Comments
Post a Comment
ALL PREVIOUS COMMENT ARE HIDDEN FOR DATA EVALUATION IN ONE WEEK, NEW GENERATED COMMENTS IS NOW OPEN FOR EVERYBODY. HENCE, ANYONE INCLUDING ANONYMOUS USERS IS ALLOWED TO POST COMMENT STARTING - 10 OF JANUARY 2019