Malagong ekonomiya ang isa sa mga pinagsisikapang makamit ng isang bansa. Dito sa Pilipinas, iba’t ibang programa ang patuloy na inilulunsad ng pamahalaan upang unti-unting mabigyang-solusyon ang suliranin sa kahirapan. Ano nga ba ang kasalukuyang katayuan ng ating bansa kung ang pag-uusapan ay ang ekonomiya? Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay nananatili umanong isa sa mga may pinakamabilis lumagong ekonomiya sa Silangang Asya at Pacific Region, mula sa ulat ng PTV News. Ito ay sa kabila ng kaunting pagbabago pababa ng projection sa growth rate ng bansa sa mga susunod na dalawang taon. Saad ng WB, upang maipakita ang kasalukuyang “economic trends” ay mas mababa ang growth projection ng Pilipinas nang 6.4 porsyento ng 2018 mula sa 6.5, habang 6.5 porsyento naman ng 2019 mula sa 6.7. Sinabi rin ni WB Senior Economist Rong Qian na bagama’t ang patuloy na pagtaas ng inflation ay maaari umanong makaapekto sa pribadong “consumption growth” sa huling quarter ng kasalukuyang taon, inaasahan naman umanong magkakaroon ng moderasyon sa inflation sa mga susunod na quarter. Ito raw ang magtaaas ng “private consumption”, gayundin ng “consumer confidence” sa mga susunod na taon sa bansa.
“A strong, consistent delivery of the infrastructure investment agenda while sustaining improvements in health, education and social protection will be key to maintaining the robust and inclusive growth outlook of the Philippines,” ani Qian.
“Investment growth however maybe be tempered in the first half of 2019 due to the possible reenactment of the first-quarter 2019 budget following a delay in the budget approval process. Moreover, global trade is expected to remain weak, thus dampening exports,” dagdag pa ng WB.
Sa mga unang bahagi umano ng 2019, maaari rin umanong palakasin ng magaganap na halalan sa Mayo ang “consumption” sa pamamagitan ng pansamantalang pagtaas ng “employment” at at “disposable income”.
Nawa, sa pakikipagtulungan ng mga pangunahing sangay ng Gobyerno, gayundin ng bawat mamamayan ng ating bansa, unti-unti nating mapagtagumpayan ang problema sa kahirapan, at manatiling nakatayo ang ating ekonomiya. Sulong Pilipinas!
Nawa, sa pakikipagtulungan ng mga pangunahing sangay ng Gobyerno, gayundin ng bawat mamamayan ng ating bansa, unti-unti nating mapagtagumpayan ang problema sa kahirapan, at manatiling nakatayo ang ating ekonomiya. Sulong Pilipinas!
Source: PTV NEWS
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
Comments
Post a Comment
ALL PREVIOUS COMMENT ARE HIDDEN FOR DATA EVALUATION IN ONE WEEK, NEW GENERATED COMMENTS IS NOW OPEN FOR EVERYBODY. HENCE, ANYONE INCLUDING ANONYMOUS USERS IS ALLOWED TO POST COMMENT STARTING - 10 OF JANUARY 2019