Isa ang Monte Maria Shrine sa mga dinarayo ng mga deboto upang magnilay-nilay dito sa Batangas. Matatagpuan ito sa isang bahagi ng burol sa Brgy. Pagkilatan, Batangas City kung saan nakatayo ang 63 metrong taas na imahe ng Birheng Maria.
Matatanaw mo mula dito ang Verde Island Passage gayon din ang entrada ng Batangas Bay kung saan dumadaan ang mga sasakyang pandagat mula sa timog katagalugan at mga sasakyang pandagat ng mga dayuhang mangangalakal.
Mass Schedule:
1st Friday of the Month
- 4:00 PM
Every 8th of the Month
- 9:00 AM
Saturdays
- 8:00 AM, 9:30 AM, 11:00 AM, 12:15 PM & 3:30PM
Sunday
- 7:00 AM, 8:00 AM, 9:30 AM, 11:00 AM & 12:15 PM
Paano pumunta sa Monte Maria mula sa Tambo Exit:
- Sumakay ng bus patungong Batangas City Grand Terminal .
- Pagdating sa Batangas City Grand Terminal, hanapin ang pila ng jeep patungong alangilan. Magtanong kung alin ang dadaan ng UB at sumakay patungo sa UB.
- Bumaba sa University of Batangas at sumakay ulit ng jeep biyaheng kapitolyo upang makarating ng SM City Batangas.
- Pagdating sa SM City Batangas ay hanapin ang pila ng jeep patungon Ilijan at mula duon ay makakarating ka na sa Monte Maria.
Option 2:
- Sumakay ng bus patungong Batangas City Grand Terminal .
- Pagdating sa Batangas City Grand Terminal, hanapin ang pila ng jeep patungong Balagtas. Magtanong kung dadaan ito sa SM City Batangas.
- Pagdating sa SM City Batangas ay hanapin ang pila ng jeep patungon Ilijan at mula duon ay makakarating ka na sa Monte Maria.
Photo Credit : Jane Dianne Alcaraz (my daughter)
Posted By : Precy Perea
#izzycometa
#Jamesjd
#yeheeybizfriends
#TEAMROCKETS
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
Comments
Post a Comment
ALL PREVIOUS COMMENT ARE HIDDEN FOR DATA EVALUATION IN ONE WEEK, NEW GENERATED COMMENTS IS NOW OPEN FOR EVERYBODY. HENCE, ANYONE INCLUDING ANONYMOUS USERS IS ALLOWED TO POST COMMENT STARTING - 10 OF JANUARY 2019