"WALANG MAGULANG NA NKAKATIIS SA KANYANG MGA ANAK."
Kahit anong puyat, gutom, pangungulila ay titiisin ng isang OFW masuportahan lang ang pngangailangan ng kanyang pamilya, na 'di kayang ibigay sa sariling Bansa.
Tunghayan po natin ang usapan ng mgkakaibigang ito, mga anak ng OFW, na mgkaiba ang pananaw sa pagiging OFW ng kanilang mga magulang.
NASA Abroad nanay ko:
kaibigan1:
ito cellphone ko binili ko iPhone8 mahal nito.
kaibigan2:
Wow ganda naman mukang mamahalin pa!
Teka san ba nanay mo?
kaibigan1:
Nasa abroad siya kaya nakukuha ko gusto ko
Marami din ako pera.
kaibigan2:
Astig naman. May allowance ka pa,
kaibigan1:
Oo naman nasa abroad nanay ko e.
Bibili din ako ng sapatos at mga damit at shopping din
At ilibre ko mga barkada ko.
kaibigan2:
Grabe. Iba ka na bigatin dami ng pera.
kaibigan1:
Syempre nasa abroad nanay ko. Nagpapadala siya buwan buwan.
Kahit di na ako magtrabaho nasa abroad naman nanay ko.
kaibigan3:
Tol. Hindi ka ba naaawa sa nanay mo?
kaibigan1:
Ehh. Di naman kawawa nanay ko. Tol nasa abroad siya. Kung kawawa siya may ipapadala pa ba siya pera?Dami niya pinapadala, .dami ko pera, kasi nanay ko nasa abroad.
San ba Nanay, mo bat di mag abroad para di mo ako kinokontra?
kaibigan3:
Nasa abroad din siya tol.Naaawa ako sa nanay ko, kasi napupuyat siya, napapagod, walang sapat na tulog. Di sapat ang kinakain, minsan wala na sa oras kung kumain. All around kc trabaho niya. Naglilinis ng bahay,nagluluto,naglalaba,naghuhugas ng plato, mga baso etc..
Nag aalaga ng bata, .nag aalaga ng matanda.Nasa loob lang ng bahay, walang kalayaan.
Kaya bawat padala niya kada buwan, iniipon ko. Di ako bumibili ng mga mamahaling gamit o bagay ayon lang sa aking luho. Di ako nanlilibre sa mga barkada,di ako gumigimik.
Kasi bawat padala niya, dama ko ang pagod niya at hirap sa bawat pera na nasa palad ko.
Dama ko yung sakripisyo niya .Sabihin nating masaya, may hawak kang pera, pero hindi mula sa 'yong pagod, lulustayin mo lang ng basta basta.Marahil nasa abroad sila ngunit bilang Ofw,
Masarap lang marinig na abroad,ngunit hirap at pangungulila ang nasa likod nito.
Di ba nanay mo nasa abroad, may pagmamalasakit ka pa ba?
-ABROAD, napakasarap namang marinig dahil nakapunta ang magulang mo sa abroad. Pero, hindi para mamasyal o mamulot ng pera.Pagpapaguran niya ito may maipadala lamang sa pamilya..
Kaysa ibili ng kailangan niya, naipapadala niya lahat at ang naiiwan resibo na lamang..
Akala siguro ng mga anak o pamilya na nasa pinas, madaling kumita ng pera. Hindi nila alam, habang masasarap ang kinakain nila, mahimbing ang tulog, namamasyal, nagkakasiyahan..
Habang ang ina o ama sa ibang bansa ay pagod na pagod, puyat na puyat, pumapayat at bugbog na ang katawan sa kakatrabaho..
Hindi "ATM" Si NANAY /TATAY
Dapat magmalasakit din angPamilya..
Maghanap ng pagkakakitaan at huwag puro gasta na lamang.
Batugan....
Posted By : Precy Perea
#izzycometa
#yeheeybizfriends
#TEAMROCKETS
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
Comments
Post a Comment
ALL PREVIOUS COMMENT ARE HIDDEN FOR DATA EVALUATION IN ONE WEEK, NEW GENERATED COMMENTS IS NOW OPEN FOR EVERYBODY. HENCE, ANYONE INCLUDING ANONYMOUS USERS IS ALLOWED TO POST COMMENT STARTING - 10 OF JANUARY 2019