"SCARY" NGA BA TALAGA PAG NAKAKITA KA NG TAONG PUGOT ANG ULO O ANINONG PUGOT??? by: Salome Carlos
Noong bata pa ako palagi kaming nakikinig sa programa sa radyo na "GABI NG LAGIM" at doon ko nalaman ang kwentong tungkol sa PUGOT NA ANINO.
Dahil sa wala kaming kuryente at natural na wala kaming telebisyon, radyo lamang ang aming libangan. Ala-6:00 pa lamang ng gabi nakahiga na kaming magkakapatid para makinig sa mga programa at kahit sobrang takot na takot kami ay pinagtityagaan namin ito.
Base sa kwentong aking napakingggan, kapag nakita mo ang iyong anino na walang ulo, ito daw ay isang babala ng karamdaman, kapahamakan o kamatayan.
Kahalintulad din sa pangyayari pag nakakita ka ng taong naglalakad na walang ulo o nakuhanan ng litrato na pugot ang ulo.
Ayon sa mga matatanda at may eksperiensa na sa ganitong sitwasyon, pag nakakita ka ng taong pugot ang ulo tapikin mo ang kanyang balikat at babalaan sya na mag ingat. Sinasabi rin ng ilan na un mismong suot ng taong un ipahubad at ilibing para maiwasan ang sakuna o kamatayan.
May ibang mga kwento na kahit babalaan o sabihan ang taong nakitaan ng pugot na ulo, may humahantong pa rin sa kapahamakan.
Marahil ito ay isang pangitain para sa isang taong nalalapit na sa kamatayan. Hindi natin hawak ang ating buhay at kahit anong pag iingat kung humantong na tayo sa ating hangganan, wala tayong magagawa.
Sa ngayun, ang marapat na gawin natin at ibayong pag-iingat at pinaka mabisang sanggalang ay panalangin sa ating Dios para tayo ay maligtas sa kapahamakan.
Naalala ko nung bata pa ako, takot na takot akong tignan ang aking anino dahil sa mga kwentong ito.
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
Comments
Post a Comment
ALL PREVIOUS COMMENT ARE HIDDEN FOR DATA EVALUATION IN ONE WEEK, NEW GENERATED COMMENTS IS NOW OPEN FOR EVERYBODY. HENCE, ANYONE INCLUDING ANONYMOUS USERS IS ALLOWED TO POST COMMENT STARTING - 10 OF JANUARY 2019