MAYNILA - Sinuspinde na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pasok sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa Enero 9 kaugnay ng Traslacion ng imahen ng Itim na Nazareno.
Sa press conference sa Quiapo Church, inanunsyo ni Manila City Administrator Ericson Alcovendaz na pinirmahan na ni Mayor Joseph Estrada ang Executive Order 1 Series of 2019 na nagdedeklara ng suspensyon ng klase sa Enero 9.
Sinabi ni Alcovendaz na suspendido rin ang pasok sa trabaho sa City hall maliban sa mga tanggapan na kailangang magbigay ng serbisyo sa publiko gaya ng rescue teams, medical teams at iba pang frontliners na kailangan sa Traslacion.
Ipinauubaya naman ng City hall sa mga pribadong kumpanya at iba pang government agency na nasa Maynila kung magsususpinde rin ng pasok sa araw ng Traslacion.
Samantala, magkakaroon din ng anti-rabies vaccination sa mga alagang aso ng mga residenteng nakatira sa mga rutang daraanan ng Traslacion ng Poong Nazareno.
Si Mayor Estrada ang tumatayong Hermana Mayor sa taunang Traslacion subalit no-show sa press conference Biyernes ng umaga na dinaluhan ng mga opisyal ng iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan na abala sa malaking aktibidad na ito sa susunod na linggo.
#ehla
#risingstars
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
Comments
Post a Comment
ALL PREVIOUS COMMENT ARE HIDDEN FOR DATA EVALUATION IN ONE WEEK, NEW GENERATED COMMENTS IS NOW OPEN FOR EVERYBODY. HENCE, ANYONE INCLUDING ANONYMOUS USERS IS ALLOWED TO POST COMMENT STARTING - 10 OF JANUARY 2019