Common Name : BANABA (Tagalog),
QUEEN'S FLOWER O PRIDE OF INDIA (English)Scientific Name: Lagerstroemia speciosa ( L.) Pers.,
Lagerstroemia reginae Roxb.,
Muschausia speciosa ( L.)
Ang banaba ay isang namumulaklak na puno na kilala sa maraming lugar sa Pilipinas. Ang bulaklak ay kulay lila at bumubuka nang malapad. Ito ay may bunga na mala mala-ubas ngunit kulay tsokolate. Karaniwan itong tumutubo sa isla ng Luzon, pati na sa Mindanao at Palawan. Dahil nga sa kakayanan nitong makagamot ng ilang mga karamdaman, kalimitan ding mabibili ang banaba na nakahanda bilang inuming tsaa at tableta.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BANABA?
Ang iba’t ibang bahagi ng puno ng banaba ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ayon sa mga pag-aaral, may mataas na lebel ng tannin sa bunga, dahon at balat ng kahoy (bark) ng banaba.
Nakuhanan din ang halamang ito ng phenolic compounds, flavonoids, at saponins. Bukod pa dito, mayroon ding corosolic acid, ellagitannin Lagerstroemin, at gallotannins sa halaman ng banaba.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
BUNGA- Ang hinog na bunga ng banaba ay kadalasang pinapatuyo bago ilaga upang makuha ang taglay nitong gamot.
DAHON-Ang dahon na maaaring bata pa o yung magulang na ay pinakukuluan din at ipinaiinom sa may sakit.
BULAKLAK - Pinakukuluan din ang bulaklak ng banaba upang maipainom ang pinaglagaan sa may sakit.
BALAT NG KAHOY (bark)- Ang balat ng kahoy ay nilalaga rin ngunit hindi ito kasing epektibo ng pinaglagaan ng dahon at bunga.
UGAT- Pinapakuluan din ang ugat at pinaiinom sa may sakit.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BANABA?
1. DIABETES-Ang pangunahing sakit na pinaniniwalaang nagagamot ng halamang banaba ay ang diabetes. Epektibo sa pagpapanatiling balanse ng lebel ng asukal sa dugo ang pag-inom ng pinaglagaan ng bulaklak, dahon at bunga ng banaba.
2. HIRAP SA PAG-IHI-Ang pinaglagaan ng ugat at dahon ng banaba ay may epektong diuretic sa mga taong hirap sa pag-ihi.
3. PAGTATAE- Ang pinaglagaan naman ng balat ng kahoy ng banaba ay pinaniniwalaang makagagamot sa pagtatae o diarrhea.
4. OBESITY O SOBRANG TIMBANG - Mahusay din daw ang regular na pag-inom ng pinaglagaan ng halaman ng banaba sa pagpapanatili ng balanse at tamang timbang.
5. ALTAPRESYON- May ilang naniniwala din na nakakababa ng presyon ng dugo ang pag-inom ng pinaglagaan ng banaba.
6. PAMAMAGA NG IMPLAMASYON-Sinasabi rin na ang katas na nakukuha sa dahon ng banaba ay may bisa sa pagpapahupa ng pamamaga at implamasyon sa katawan.
7. IMPEKSYON NG BACTERIA SA KATAWAN-May ilang pag-aaral na ang pinaglagaan ng bunga ng banaba ay makatutulong sa pagpuksa ng impeksyon ng bacteria sa katawan.
Source: Kalusugan. ph
Posted By : Precy Perea
#izzycometa
#Jamesjd
#Diannejd
#yeheeybizfriends
#TEAMROCKETS
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
Comments
Post a Comment
ALL PREVIOUS COMMENT ARE HIDDEN FOR DATA EVALUATION IN ONE WEEK, NEW GENERATED COMMENTS IS NOW OPEN FOR EVERYBODY. HENCE, ANYONE INCLUDING ANONYMOUS USERS IS ALLOWED TO POST COMMENT STARTING - 10 OF JANUARY 2019