Ayon sa fashion designer at entrepreneur na si Chynna Mamawal, isa sa mga pinakapatok na kulay ngayong taon ang "living coral," na napiling color of the year para sa 2019 ng Pantone, isang kompanyang nirerespeto sa industriya ng disenyo.
"Ang color of the year natin is living coral. So medyo orange, red," sabi ni Mamawal sa programang "Sakto" ng DZMM.
"So parang ang living coral ang nire-represent niya is being sociable and energy, positive energy," dagdag ni Mamawal.Hindi rin limitado sa mga damit ang pagkauso ng living coral kundi pati na rin sa mga bag, aksesorya, at maging mga dekorasyon sa bahay, ani Mamawal.
Magiging malaking trend din sa 2019 ang tie-dye, ayon kay Mamawal.
Ang tie-dye ay paraan ng paglikha ng mga padron sa tela, sa pamamagitan ng pagbuhol ng sinulid, at katulad, upang hindi makasipsip ng tina ang ibang bahagi ng tela.
"Big trend siya this year, mapa-babae, mapa-lalaki, dresses, polo, tie-dye," sabi ni Mamawal.Patok din daw sa 2019 ang mga pantalong maong na "acid wash" kung saan may mga bahagi ng pantalon na mistulang kupas ang kulay.
Uso pa rin sa 2019 ang feathers o mga balahibo na hindi lang din sa mga damit kundi pati sa sapatos, bag, at iba pang aksesorya, ani Mamawal.
Isa rin daw trend para sa mga babae ang pagsuot ng PVC shoes o iyong mga sapatos na see-through.
Sa mga mahilig sa bright o matitingkad na kulay, bida ang mga kulay na pula, orange, at lima green, habang brown, white, at deep blue naman ang mga kulay para sa mga mahilig sa neutral colors.
Ikaw ano ang susuutin mo ngayong new year?
#gelofish19
#gelofish1993
#Bizfriendsownerofficial
#TeamPayaman
#Yeheeybizfriends
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
Comments
Post a Comment
ALL PREVIOUS COMMENT ARE HIDDEN FOR DATA EVALUATION IN ONE WEEK, NEW GENERATED COMMENTS IS NOW OPEN FOR EVERYBODY. HENCE, ANYONE INCLUDING ANONYMOUS USERS IS ALLOWED TO POST COMMENT STARTING - 10 OF JANUARY 2019