HYDROGEN PEROXIDE AND IT'S USES


HYDROGEN PEROXIDE is a chemical compound with the formula H202.In it's pure form, it is pale blue, clear liquid, slightly more viscous than water. HYDROGEN PEROXIDE is the simplest peroxide.





14 Pwedeng gamit ng hydrogen peroxide na dapat nating malaman

Alam mo ba na ang hydrogen peroxide ay maaring magamit bilang isang uri ng antiseptic o maari rin itong maging disinfectant? Kinumpirma ng mga eksperto at mga mananaliksik na ang hydrogen peroxide ay isa sa mga pinaka mabisa na produkto na siyang maaring gamitin ng mga tao at ito rin ay sinasabi na ligtas at hindi nagdudulot ng ano mang kapahamakan para sa tao.
Kung tutuusin, ang hydrogen peroxide ay nagtataglay ng napakaraming bilang ng mga benepisyo para sa tao mapa kalusugan man o kahit na ano. Mayroon itong kakayahan na mapuksa ang mga microorganism o bleaching na nasa buhok.
Sa pamamagitan ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo kung ano ang mga bagay o ang mga dahilan kung bakit dapat mong gamitin ang hydrogen peroxide sa loob ng iyong bahay. Hindi mo man inaasahan ang ilan sa mga ito, tiyak na epektibo at kapaki pakinabang ang mga ito at makakatulong upang mas mapadali ang iyong buhay kaya nararapat lamang na ituloy mo lang ang pagbabasa nito. Ang hydrogen peroxide ay hindi nagdudulot ng ano mang negatibong epekto kung sakto lamang ang paggamit na iyong gagawin kaya nararapat lamang na maging maingat pa rin sa paggamit nito upang maiwasan ang ano mang klase ng negatibong epekto na hindi inaasahan, mas mabuti na ang maging maingat upang maging kapaki pakinabang ang paggamit dito.

Narito ang ilan sa mga dhilan kung bakit kinakailangan mong gamitin ang hydrogen peroxide sa loobng iyong bahay:

  1. Ang hydrogen peroxide ay mayroong natatanging kakayahan na magtanggal ng mga marka ng acne sa mukha at mga mantsa na nakikita sa balat. Kinakailangan mo lamang gumamit ng hydrogen peroxide sa iyong mga acne at pabayaan mo itong magtrabaho sa loob ng magdamag at magugulat ka na lamang sa epekto na dulot nito sa iyong pagkagising sa umaga.
  2. Ang hydrogen peroxide ay maari mong magamit upang madisinfect ang mga maliliit na sugat na meron ka at para mas mapabilis din ang paggaling ng mga ito.
  3. Ang hydrogen peroxide ay maari mong gamitin bilang pangmumog sa iyong bibig ng hindi sosobra sa halos 3% na halaga nito sa loob ng ilang minuto sa isang araw upang mawala na ng tuluyan ang pananakit ng iyong ngipin na madalas mong maranasan.
  4. Ang hydrogen peroxide ay mayroong kakayahan na mabawasan ang pamamaga na iyong nararanasan mula sa iyong gums at maging ang pananakit na iyong nararamdaman mula sa kaso ng gingivitis. Maari mo rin itong magamit bilang emergency product upang mapigilan ang mga posibleng sakit at impeksyon.
  5. Ang hydrogen peroxide ay maari mong ilagay o ihalo sa kakaunting halaga nito sa tubig na iyong gagamitin bilang panligo upang mabigyan ng gamot ang fungal infection at para maprotektahan na rin ang iyong balat sa ano mang uri ng sakit at impeksyon.
  6. Ang hydrogen peroxide ay maari mong ihalo sa tubig at gamitin bilang pangspray sa iyong ilong at lalamunan. Makakatulong ang bagay na ito upang mabigyan mo ng gamot ang iyong sipon at upang maalis na rin ang bara kapag ikaw ay mayroong nasal congestion. Kinakailangan mo lamang na panatilihin ang iyong ulo sa isang horizontal position, hayaan mo itong gumana sa loob ng halos dalawang (2) minuto. Ang hydrogen peroxide na solusyon ay mayroong kakayahan na magalis ng mga bacteria at may kakayahan din ito na bigyang lunas ang congestion. Magmumog lamang ng tubig pagkatapos gawin ang bagay na ito.
  7. Ang hydrogen peroxide na nasa halos kalahati ng bote ay maaring ihalo sa tubig na siyang gagamitin sa pangligo upang tuluyan ng mapatay ang mga fungi at upang mabigyan din ng gamot ang mga problema sa balat ng tao na dahil sa mga germs at bacteria na siyang nakukuha mula sa kapaligiran. Ang kinakailangan mo lamang gawin ay ibabad ang iyong sarili dito ng hindi sosobra sa isang (1) oras upang malunasan at upang mapigilan ang karagdagang impeksyon na maaring mangyari.
  8. Ang hydrogen peroxide ay maaring gamitin upang makapatay ng mga germs at bacteria. Kinakailangan mo lamang ibabad ang iyong toothbrush dito sa loob ng magdamag at ito ay makakatulong upang mas maging malinis ang iyong mga ngipin at ang iyong buong bibig.
  9. Ang hydrogen peroxide ay maari mong gamitin upang matanggal ang mga mantsa na siyang nagmula at nanggaling sa red wine o maging sa white wine.
  10.  Ang hydrogen peroxide ay mayroong kakayahan na tanggalin ang mabahong amoy mula sa parehong kili kili at paa ng tao. Mayroon itong kakayahan na puksain ang fungi na siyang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mabahong amoy.
  11.  Ang hydrogen peroxide ay maari mo ring gamitin sa slicing boards at sa ilan pang mga gamit na matatagpuan sa loob ng kusina. Hindi mo na kinakailangang mamoblema muli ng dahil sa Salmonella sa loob ng iyong kusina dahil mayroon ka ng sagot sa problema na ito.
  12.  Ang hydrogen peroxide ay kilala bilang isang mabisang cleaning product na madalas ginagamit sa kahit na anong bagay. Maari mong gamitin ang bagay na ito upang linisan ang kahit na anong sulok ng inyong bahay, lalong lalo na ang inyong kusina at banyo. Huwag mo lamang kakalimutan na mabisa rin itong disinfectant na maari mong epektibong magamit para sa mga bagay na mayroong salamin.
  13. Ang hydrogen peroxide ay maari ring gamitin upang hugasan ang parehas na gulay at prutas bago ito tuluyang lutuin o kainin dahil ito ay mayroong kakayahan na tanggalin ang mga bacteria at maging ang mga tira tirang pesticides.
  14.  Ang hydrogen peroxide ay maari mo ring gamitin sa iyong paglalaba lalo na kung gusto mong tanggalin ang mga mantsa. Maari mo itong gamitin sa halip na bleaches na siyang punong puno ng mga delikadong kemikal na maaring magdulot ng kapahamakan sa iyong kalusugan.

     Source:rndhealthtips.com
  
     Posted By : Precy Perea
                          #izzycometa
                          #Jamesjd
                           #Diannejd
                           #yeheeybizfriends
                            #TEAMROCKETS 











SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW




Need To Search in Google? Type it Here..




OPPORTUNITY81

Comments

OPPORTUNITY6







OPPORTUNITY7

YBF TSIT-CHAT with INFOBIZ BLOG:

Edit Member Tracking #UserID or Simply Be our Guest.
FYI-001: MAIN SITE UPDATE AS OF 07 JANUARY 2019: SSL Temporarily Runs in Technical System Adjustment and Development Process.
Q: How can I login while it says Your connection is not private?
A: Click ADVANCE and Click Proceed Anyway.
Q: How long will it resume in normal status? and What should members need to do?
A: It may takes few more days for SSL to lift and Effect. All members are suggested to FOLLOW THIS BLOG for directional updates





OPPORTUNITY CC-YBF






ENJOY BEST DEALS FROM AMAZON JUST RIGHT HERE