Kawikaan 26:22
"Ang tsismis ay tulad ng masarap Na pagkain: masarap pakinggan, masarap namnamin"
Kagaya ng isinasaad sa isang verse ng Biblia, ang tsismis ay inihalintulad sa isang masarap na pagkain. Kapag ito ay iyong nalasap, paulit ulit mo itong ngunguyain, at nanamnamin..... Sino nga naman ang makatatangi sa ganitong klase ng putahe!? Lalo na at libre pa! Subalit kung iyong tatalastasin..... Ano nga ba ang nakapaloob sa salitang ito?
tsismis
png [ Esp chisme]
:kaswal na usapan o balita
hinggil sa ibang tao,karaniwang
kaugnay ng mga detalyeng hindi
kumpirmadong totoo
Maririnig ang tsismis sa iba't ibang henerasyon. Kung noong araw ay makikita ang mga tsismoso at tsismosa na nag uumpukan sa may tindahan, Aba ngayon iba na! Nasa social media na rin sila 😎
Ano nga ba ang epekto ng tsismis sa isang tao? Kung Ang layunin ng tsismis ay upang ipamalita ang kabutihan at kahusayan ng isang tao, malamang matuwa pa ang taong pinag-uusapan. Subalit salungat sa realidad ang karaniwang ipinapahayag sa tsismis.
"Mare, nabalitaan mo na ba? Buntis daw yung dalagang anak ni Kuwan!!! 😱
"Pare balita ko may kulasisi si pareng Ano! 🤥
Ganyan ang madalas nating marinig, puro haka-haka.....Subalit ang sakit sa damdamin na maaaring idulot nito sa taong pinatutungkulan ay totoo. Ikaw? naranasan mo na ba ang pait Na dulot nito? O isa ka sa mga taong walang pakialam sa anumang sabihin sa iyo?
Marahil nga ay negatibo ang salitang tsismis. Maaaring may mga buhay na nasira dahil dito. Subalit isa din itong pag papaalala sa atin na walang usok kung walang apoy.
Maging mapagmatyag lalo na sa sariling gawa. Pag isipan ng mabuti ang mga bagay bago ito gawin. At kung nakakaranas naman ng panghuhusga, pagkakataon ito upang patunayan ang sarili.
Jurey
SUGGESTED TILES WAIT TO DOWN LOAD TO VIEW FEATURED POST BELOW
Need To Search in Google? Type it Here..
OPPORTUNITY81
wag kang maniwala sa sabi sabi lang
ReplyDelete#rainasean
#01112019
#teammoneymakers
#yeheeybizfriends